Sunday, April 18, 2010

Hindi Man Malaman ng Mundo


ni Mesandel Virtusio Arguelles

Hindi man malaman ng mundo
nilalaman naman ng mundo
Hindi man malaman ng mundo
nailalaman sa mundo
ang hindi kailangang malaman ng mundo
Hindi man malaman ng mundo
sapat na ang nilikhang mundo
sa iyong mundo
Hindi man malaman ng mundo
sapat na ang kaalamang minsan
nagkalaman
at maaaring maabo
ang mundo hindi man malaman

No comments: